Biyernes, Mayo 31, 2013

Panis: Vice Ganda, Drama Queen din pala

Well, kung hindi napapansin ng ibang tao, ako napapansin ko ang walang habas na pagpapatawa sa pamamagitan ng paggamit ng pangalan ng mga tao nitong si Vice Ganda. No, hindi ako hater ng baks and in fairness ang gaganda, on time and talaga naman hanep ang bulalas nito sa tuwing napapanood ko sa GGV. Yes, pangs kami ni misis ng show nyang ito dahil talaga namang napapatawa nya kami ng talagang wagas na wagas!


Pero heto sa concert nyang I-Vice Ganda Mo Ko may incidentally (hindi accidentally) syang nagamit na pangalan ng isang prominente at award winning news tv anchor "sa kabilang istasyon" (madalas na sambulat ng mga Kapamilya stars kapag GMA 7 or TV5 or other stations and pinag-uusapan) na si Jessica Soho.

Hindi nagustuhan ng anchor ang paraaan ng pagpapatawa nya kayat sumama ang loob nito. Mantakin mo ba naman na on public mo gawin ang ganitong banat eh. Dyos ko Dong, talaga namang madadale ka nga nyan. Ibang issue naman itong ginawa din nya na paggamit sa pangalan ng isang senatorial candidate na si Nancy Binay dahil totoo naman at hindi naman sya nagjojowk nun sa tingin ko.

Anyway, naalala ko tuloy ang nangyari kay MMDA chairman Francis Tolentino for his epal move sa Dan Brown novel na "Inferno". Ka epalan naman talaga ito at padalos dalos na aksyon ng isang taong hindi nag iisip. Oh ano nagawa nya nung sinagot sya ng prestihiyosong author ng novel na fiction lang ang written book? Oh e di waley! Wapak! Panis!

On the other hand, salute ako sa ginawa ng beki na public apology kahit obvious naman na may blessing ito ng management ng ABS-CBN dahil ginamit nya kaya ang airtime ng noontime program na Showtime nun. Kung wala namang blessing ng management ay OK pa rin. Ang importante nga eh marunong tumanggap ng pagkakamali at very much willing itama ito sa future.

Magbasa pa ng napakaraming ka panisan mga katoto!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento