Martes, Oktubre 29, 2013

Chito Miranda at Neri Naig, may bago na namang video scandal?

Haay naku, hindi na yata matatapos ang kalbaryo sa buhay ng magsyotang ito na sina Chito Miranda (vocalist ng Parokya ni Edgar) at Neri Naig (Star Circle Quest baby). Kamakailan lamang ay lumabas na naman ang tila second part installment ng sex video scandal ng dalawang mag singirog at tila yata may taong responsable sa paglabas nito.


Kung sino man ang may kagagawan nito ay siguradong napakasama nya. Tahimik ng nakaka recover ang dalawa pati na ang kani kanilang mga pamilya ay heto bigla na namang lumabas ang nasabing scandal video nila.

Matatandaang noong nakaraan buwan lamang ay isa pang celebrity tv host ng isang popular na network ang nasabing may sex video scandal ding lumabas. Ang tinutukoy na celebrity sa video ay sina Wally Bayola at Yosh ng EB Babes diumano. Lumabas ang video scandal ng dalawa sa internet ng walang pahintulot daw diumano sa kanino mang partido ngunit hanggang sa ngayon ay hindi pa ring nahuhuli ang nasabing salarin na responsable sa paglabas nito.

Sana mag end na ang mga ganitong kasamang mga gawi.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento