Ipinapakita ang mga post na may etiketa na jody sta maria. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na jody sta maria. Ipakita ang lahat ng mga post

Huwebes, Mayo 23, 2013

Ang baduy ng bagong term of endearment nina Maya at Ser Chief sa Be Careful With My Heart

Nanonood kaming mag-asawa kaninang tanghali na sya naman naming nakakawilihan araw araw tuwing weekdays sa channel 2. Ito ay ang Be Careful With My Heart at ngayon ay kakaiba itong si misis dahil inis na inis sya at nakokornyhan sa bagong imbentong term of endearment ng mga (baklang) writers ng nasabing noontime teleserye na sikat na sikat ngayon sa Philippines. Pati nga yata ang napakaraming TFC subscribers sa ibang bansa aliw na aliw din tulad naming mag asawa sa soap na ito na puno ng ka-jologs-an.