Huwebes, Mayo 23, 2013

Abangan: New Teleserye nina Julia Montes at Enrique Gil malapit nang malaman

Haay naku poooo! Heto at mayroong darating na kakaiba at kalokang new teleserye combination na naman ang ating dapat abangan. Imagine ninyo pagtatambalin sina Julia Montes at Enrique Gil sa new soap na ito?


Wow! It must be some investment na naman para sa Kapamilya Network at siguradong primetime na naman ito ipapalabas kayat siguradong patok din at aabangan ito ng napakaraming fans ng Princess and I star at Walang Hanggan beauty.

Napaulat kamakailan lang na nagtatake na ng series of workshops ang dalawa para maging magaling sa kani kanilang papel sa nasabing new tv series. Dahil din daw dito ayon kay Julia ay nagkakamabutihan na sila ni Enrique sa relationship na dinedevelop nila along side with the workshop para sa drama anthology nila sa darating na mga araw.

O ayan mga katoto, tumutok na kayo sa mga susunod ko pang mga posts na may title na "Abangan" dahil tyak na mauuna kayo sa mga updates sa latest and new tsismis at shows and teleserye ng mga stars.

Wag nyo nga palang kakalimutang basahin ang mga posts ni Mr Tsismis sa aking - Abangan Series ha. Andyan lahat ng pakaaabangang bago at juicy tsismax sa Pilipinas.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento