Sabado, Mayo 25, 2013

Abangan: Cofradia Remake for Julia Barretto sa ABS-CBN Go Na!

Mga subok at magagaling na artista na ang sumubok at nagpatunay sa kanilang napakagaling na acting stint ng kanilang gampanan ang papel ng babaeng gumaganda at pumuputi kapag nakasindi ang isang mahiwagang kandila si Cofradia.


Ang mga gumanap na nito ay sina Gloria Romero at Gina Alajar na alam naman nating sadyang napaka gagaling na mga artista at subok na sa industriya.

Ngayon, masusubukan itong anak ni Marjorie Barretto na si Julia Barretto dahil sya daw ang mapalad na nakakuha ng papel bilang bagong Cofradia sa remake ng nasabing drama upang maging isang teleserye sa bakuran ng Kapamilya Network, channel 2.

Sa mga susunod na buwan ay napakarami na naman nating matutunghayan na bago at kakaibang stint and investment para sa mga Star Magic talents ng ABS-CBN gaya ni Julia Barretto. Aaminin ko, sadyang napaka ganda ng batang ito at talaga naman oozing with sex appeal and sexiness in almost all aspects na yata na makikita mo sa isang napaka batang mukha sa showbiz.

I hope magtagumpay ang dalagita at mapatunayan nya na sapat lang ang ibinigay na tiwala sa kanya ng ABS-CBN at Star Magic. Wag nyo nga palang kalimutang sundan ang mga kaganapan ng isa pang Abangan Festival articles ko - new teleserye nina Julia Montes and Enrique Gil. Good luck Julia!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento