Huwebes, Mayo 23, 2013

Ang baduy ng bagong term of endearment nina Maya at Ser Chief sa Be Careful With My Heart

Nanonood kaming mag-asawa kaninang tanghali na sya naman naming nakakawilihan araw araw tuwing weekdays sa channel 2. Ito ay ang Be Careful With My Heart at ngayon ay kakaiba itong si misis dahil inis na inis sya at nakokornyhan sa bagong imbentong term of endearment ng mga (baklang) writers ng nasabing noontime teleserye na sikat na sikat ngayon sa Philippines. Pati nga yata ang napakaraming TFC subscribers sa ibang bansa aliw na aliw din tulad naming mag asawa sa soap na ito na puno ng ka-jologs-an.


Ewan ko ba ngayong umaga ay ibang-iba itong si miss dahil inis na inis sya sa "chiko" na tawag ni Maya kay Ser Chief (a.k.a Jody Sta Maria at Richard Yap). Napaka corny daw. Eto namang nag iisang prinsesa namin dahil bakasyon ay nakihalo pa sa amoritis ng nanay nya at nag side comment na "inggit ka lang yata nay eh".

Ako tuloy ang natatawa sa reaksyon ng anak namin eh and I am for her sentiment. Drama lang yan no at pinapaikot lang naman tayo ng mga direktor at writers ng tv series na ito pero ganun pa man, natutuwa pa rin akong manood nito twing tanghalian at nag-eenjoy naman so far habang kumakain ng aming lunch.

Kayo, ano ba masasabi nyo sa bagong term of endearment nila? Badoodles ba? Sa totoo lang nababaduyan ako. Ampangit pakinggan!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento