Huwebes, Mayo 23, 2013

Juday, in denial ukol sa rumored annulment nila ni Ryan Agoncillo sa US

Bakit ba sa twing magkakaroon ng bagong teleserye, movie or stint ang mga artista ay sadyang may nakakabit na tsismis sa kanila? Usually pa ang ginagamit na tsismis ay yung tungkol sa relationship nila with the opposite sex.


Kaya ko naman naitanong ito ay dahil na rin sa umuusbong na rumor tungkol sa alleged annulment nina showbiz celebrity couple, Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. In an interview ay sinabi nitong si Juday na walang katotohanan ang nasabing tsismis. Sa kabila raw nito ayon sa hitad ay ok na ok silang dalawa at ang kanilang relationship. Totoo din daw na ang sino mang nagmamahal ay sadyang nagdaaan sa mga pagsubok pero sa ngayon ang masasabi lang ni Juday ay hindi totoo na sila ay nagpa annul na ng kasal sa US.

Haaay naku ano pa nga ba ang ieexpect nyo eh sa totoo lang ang mga tsimax na ito ang pinanggagalingan ng mga patunog para pag usapan at maalala ng mga tao ang matagal nang nahimbing na career ng Queen of Teleserye. Ito of course ay dahil sa gusto na namang agad agad na ipaalam sa madla na magkakaroon muli ng isang bagong teleserye ang reyna at ang pamagat nito ay Huwag Ka Lang Mawawala.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento