Biyernes, Hunyo 7, 2013

Sportacious: Miami Heat, Nagtae sa Spurs - 1-0 for Parker and Duncan sa NBA 2013 Game 1 Finals

Sinibak ng San Antonio Spurs ang Miami Heat sa sarili nilang court at even if there is home court advantage ay natameme ang mga fans ng defending champions ni Pinoy coach Erik Spoelstra sa game 1 ng NBA finals 2013.


Maging ang napakagandang tandem at ginawa nina LeBron James at Duane Wayde ay walang nagawa para talunin ang Spurs tag team nina Tony Parker at Tim Duncan. Mula sa umpisa ay maganda ang ipinakita ng Heat pero parang biglang bumulusok ito ng maiwan sa ere at malamangan na ng Spurs sa huling quarter ng game.

Ang superb rebounding skills ni Anthony para magcontribute ng sandamamakmak na puntos upon conversion ay wala ding nagawa. Outrebounded nga ang Spurs the whole 4 quarters pero tinalo pa rin nito ang Heat sa kung anong dahilan. Ewan ko ba! Parang magic eh.

Sibak at duguan ang Heat pero sana makabawi pa sila sa mga susunod na games. Gusto kong manalo pa rin sila pero that's the name of the game and nobody can county out even the dead mice on the court.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento