Huwebes, Hulyo 4, 2013

Muling Buksan Ang Puso Teleserye, Papalitan ba ang Apoy sa Dagat?

Tama!!! Matatapos na at huling episode na ng Apoy sa Dagat na pinagtatambalan ni baks Piolo (Pioling) Pascual at Angelica Panganiban, ang rumored (hindi nga ba confirmed?) GF ni Lloydi at anong soap sa palagay ninyo ang papalit sa nasabing hot drama ng ABS-CBN sa primetime slot nitong gabi na masyado. Ito na nga kaya ang papalitan ng Muling Buksan Ang Puso? Abangan ninyo yan dahil ito po ang first time na pagtatambal ng love triangle nina Enrique Gil, Julia Montes at Enchong Dee na napapabalitang nanliligaw sa dalaga a couple of months ago.


Ano na nga ba ang nangyari sa ligawan blues ng dalawa? Na syota na kaya nitong si Enchong ang napaganda at batam batang dilag na si Julia Montes? Well, kung ano man ang nangyayari sa kanila, sigurado akong mas mainit pa ang mga darating na araw nating lahat na mahilig manood ng teleserye dahil paiinitin ng tatlong bagets and ating tv viewing soon kung totoo ngang ang kanilang bagong soap ang papalit sa Apoy Sa Dagat. Abangan nyo na lang at sigurado naman akong iaannounce yan.

Basahin ang iba pa naming latest post tungkol sa mga bagong teleserye.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento